DND Sec.Voltaire Gazmin, hindi kumbinsido sa mga pahayag ng MILF

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1903

IMAGE_UNTV-NEWS_07232014_DND-SEC-VOLTAIRE-GAZMIN

Mahirap paniwalaan ang mga naging pahayag ng Moro Islamic Liberation Front sa kanilang ilabas na ulat patungkol sa Mamasapano incident na hindi nila alam na nasa kanilang teritoryo ang mga teroristang sina Zulkifli Binhir alyas Marwan at Basit Usman.

Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, imposible ang sinasabi ng MILF dahil magkakalapit lamang ang lugar ng mga tao sa kanilang teritoryo.

Samantala, iginiit din ni Sec. Gazmin na kailangang managot sa batas ang sinumang mapatunayang may kasalanan sa Mamasapano incident maging ang mga miyembro ng MILF.

Kinakailangang rin anyang maipatupad ang batas dahil kahit ang rebolusyonaryong grupong MILF ay nasa ilalim pa rin ng saligang batas ng bansa.

Gayunman, nilinaw ni Gazmin na hindi pa niya tapos basahin ang kabuuan ng ulat ng MILF kaya hindi pa siya makakapagbigay ng konkretong reaksyon. ( Joan Nano / UNTV News Correspondent )

Tags: