Hybrid elections, dagdag-sahod ng mga guro at 14th month pay, ilan sa mga panukalang-batas na inihain sa Senado sa unang araw ng 18th Congress

by Erika Endraca | July 2, 2019 (Tuesday) | 6839

MANILA, Philippines – Inihain na rin ng mga senador ang kanilang mga proirity bills, kasabay ng pagpasok ng 18th congress.

Kabilang sa mga isinumiteng panukalang batas ang may kaugnayan sa pagsasagawa ng hybrid elections, dagdag sahod para sa mga guro, 14th month pay para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at pagtatatag ng mga karagdagang departamento sa pamahalaan.

Sa unang araw ng mga bagong senador, simula na rin ng paghahain ng mga panukalang batas para sa 18th  congress.

Tig-sa-sampung panukala ang inihain ng mga mambabatas.

Si Senate President Vicente Sotto III ang unang naghain ng kaniyang priority bills. Kabilang sa kaniyang inihain ay ang pagtatatag ng presidential drug enforcement agency.

Panukalang paglalagay ng pasilidad para sa mga high level drug offenders, medical scholarship sa lahat ng state universities at colleges, amiyenda sa human security act, panukalang hybrid elections, 14th month pay para lahat ng mga manggagawa sa pribadong sector, anti fake news act, pagtataas ng parusa sa crime of perjury, sim card registration act at pagtatatag ng dangerous drugs court

Ilan sa mga malalaking panukala ang inihain naman ni Senator Sonny Angara kabilang ang panukalang itaas ang sahod ng mga guro, under privileged students discount act, panukalang doblehin ang pension ng indigent senior citizens mula P6,000 sa P12,000 kada taon, dialysis center act at resolution upang imbestigahan ang ghost dialysis payment

Sampung pet bills rin ang inihain ni senator bong revilla junior, kabilang na ang panukalang 125 pesos salary increase para sa private sector workers at pagpababa ng retirement age ng mga nasa gobyerno.

Si Senator Francis Pangilinan, inihain ang panukalang coco levy act, national land use act, pagtatatag ng department of fisheries and aquatic resources at department of disaster and emergency management, rainwater management bill, single-use plastic regulation at pagtataas rin ng sahod ng mga guro.

Sogie equality bill naman ang muling inihain ni Senator Risa Hontiveros na layong alisin ang diskriminasyons sa lahat ng kasarian.

Ang scholarship program na one town, one doctor bill naman ang muling inihain ni Senator Ralph Recto.

Si Senator Joel Villanueva maghahain ng ilang panukala na may patungkol sa kapakan ng mga Overseas Filipino Workers
(OFW).

“Gustong gusto natin yung bagong bayani filipino hospital for our ofw and then yung ofw insurance act” ani Sen. Joel Villanueva.

Ayon naman sa anak ni Senator Lito Lapid na si Mark Lapid, isyu -sa kakulangan ng tubig at pagpapalakas ng free legal assistance ang tututukan ng kaniyang ama.

“Siyempre gusto niyang magsubmit ng paano natin (sosolusyunan) ang water crisis)” ani Mark Lapid anak ni Sen. Lito Lapid.

Samantala, kani kaniya na ring pagaayos ang ginawa para sa mga opisina ng mga incoming senators. Kabilang na rito ang magiging opisina ni senators Pia Cayetano, Bong Revilla Junior , si Ronald Bato Dela Rosa na personal na binisita ang pagaayos ng kaniyang opisina, kay Bong Go at Lito Lapid. Ang mga gamit ng mga graduate senators ay inaalis na rin sa gusali.

(Nel Maribojoc | Untv News)

Tags: , ,