Malaki ang epekto kung mali ang paggamit ng housing terminologies o mga salita na madalas ginagamit na may kinalaman sa mga pabahay
Nagdudulot ito ng kalituhan at misrepresentation ayon sa kina Senador Joseph Victor Ejercito na chairman ng Urban Planning, Housing and Resettlement at Congressman Albee Benitez chairperson ng House Committee on Housing and Urban Development Coordinating Council
Halimbawa nito ang kahulugan ng “housing backlog” “high rise building” “homeless citizen” “ on-site projects” at “slums”.
Ayon sa Worldbank nagkakaroon ng ibat-ibang pakahulugan sa mga terminolohiya sa pabahay
Dahil diyan, maglalabas ng common na glossary ang HUDCC at ipamamahagi sa housing sectors upang ito na ang gagamitin sa mga dokumento ng ibat-ibang shelter agencies.
May inisyal ng 211 na nagawang housing terminologies na binigyan ng depinisyon at karagdagang 28 terms ang isinama. (Bryan de Paz/ UNTV News)
Tags: Congressman Albee Benitez, HUDCC, Senador Joseph Victor Ejercito