Sumailalim na sa briefing ang House of Representatives secretariat kaugnay ng paghahanda nito sa national canvassing matapos ang halalan sa May nine.
Itinuro ng technical representative ng Smartmatic kung paano gagamitin ang Consolidation and Canvassing System o CCS machine.
Inalam rin ng house secretariat kung paano i-operate ang makina.
Maging ang mga upuan at mesa sa loob ng plenary ay nakaayos na rin para sa isasagawang canvassing.
Sa Kongreso bibilangin ang nakuhang boto ng presidente at bise presidente.
Sa May 23 magko-convene ang Senado at ang Kamara upang tumayong National Board of Canvassers.
Tatayong Chairman ng National Board of Canvassers ang Senate President at House Speaker.
Ihahalal naman sa may 23 ang senador at kongresista na magiging miyembro ng Board of Canvassers gayundin ang House at Senate secretariat.
Pagkatapos mahalal ang lahat ng miyembro ng National Board of Canvassers sisimulan na ang canvassing sa May 24.
Oras na makuha na ang lahat ng bilang ng boto sa mababang kapulungan ng kongreso na rin ipo-proklama ng National Board of Canvassers ang susunod na presidente at bise presidente ng bansa.
Inaasahan nang magiging mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa loob at labas ng Batasang Pambansa habang isinasagawa ang canvassing.
(Grace Casin/UNTV NEWS)