House Committee on Appropriations, itinanggi ang mga alegasyon ni Sen. Lacson kaugnay sa pork barrel

by Radyo La Verdad | December 7, 2018 (Friday) | 12630

Itinaggi ng House Committee on Appropriations ang alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na may dalawang kongresista na nabigyan ng bilyon-bilyong pisong pondo sa kanilang distrito.

Hindi man pinangalanan ng senador ang kongresista, malinaw na ang isa sa mga distrito na kanyang tinutukoy ay ang distrito ni House Speaker Gloria Arroyo.

Ayon kay Committee Acting Chairperson Maria Carmen Zamora,  1.9-billion piso lang ang pondong binigay nila kay Arroyo na pawang rekomendasyon naman ng DPWH.

Pero ayon sa Makabayan Bloc, hindi na bago ang naglalakihang budget insertions sa mga mambabatas.

Tinaggi naman ito ni Zamora. Aniya, ang mga pondo na binibigay sa mga kongresista ay depende sa kailangan ng kanilang mga nasasakupan.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,