Bukas ang hotline ng Public Attorney’s Office para sa mga biktima ng tanim-bala sa mga paliparan sa bansa.
Maaaring tumawag sa (02-929-9436) ang sinomang mahaharang sa mga airport dahil sa umano’y bala sa kanilang bagahe.
Ayon kay PAO chief Persida Acosta, maaaring magpadala ang PAO ng abogado na tutulong sa biktima.
Kasabay nito ay nagbabala naman si Acosta at sinabing ang sinomang nagtatanim o naglalagay ng ebidensya ay maaring kasuhan ng “incriminatory machinations”.
Ito ay may katumbas ng parusang hanggang sa anim na buwan na pagkakakulong sa ilalim ng Artikulo 363 ng Revised Penal Code.
Ang pagtatanim naman ng ammunition ay may parusang hanggang sa 40 taong pagkabilanggo sa ilalim ng Section 38 ng Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms Act.
Tags: "tanim bala" scam, NAIA, PAO, tanim-bala