Napuno ng mga tagasuporta ni WISHcovery grand finalist Carmela Ariola ang Plaza Independencia sa Lipa, Batangas kagabi. Live na nasaksihan ng fans ng birit queen ng Batangas ang kanyang pambihirang vocal control na nagdala sa kanya sa grand finals.
Ayon kay Carmela, ang hometown concert na ito ay katuparan ng matagal na niyang pangarap. Nangako naman ng suporta ang kanyang mga kababayan hanggang sa grand finals.
Samantala, bida rin ang pagkakawanggawa sa hometown tour dahil nagsakatuparan ang Wish Fm ng ilang kahilingan ng mga Batangueño.
Isa na rito ang hiling ni Toto Reblora na kagamitan paninda ng banana cue. Masayang masaya rin si Jomar Abanilla dahil napagbigyan ng Wish Fm ang kanyang kahilingan na makita personal ang bandang Shamrock.
Maging si Carmela ay nagsagawa rin ng serbisyo publiko kung saan nasa limampung underweight children ang kanyang pinakain mula sa iba’t-ibang public schools.
Samantala, susunod naman na dadayuhin ng WISHcovery team ang hometown ni WISHcovery grand finalist Louie Anne Culala, ang Bulacan.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Batangas, Carmela Ariola, wishcovery