Nirekomenda ng Campaign Finance Office ng Commission on Elections na huwag pagbigyan ang hiling ng liberal party at kampo ni Mar Roxas na fourteen days extension sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.
Batay sulat ni Commissioner Christian Robert Lim, pinuno ng CFO sa en banc, malinaw na nakasaad sa Republic Act Number 7166 na ang deadline sa pagsusumite ng SOCE ay tatlumpung araw pagkatapos ng halalan.
Ayon kay Lim magiging unfair sa ibang partido at kandidato na sumunod sa deadline kung pagbibigyan ang hirit na palugit ng LP at ni Roxas.
Ang rekomendasyon ng Campaign Finance Office ay kasamang ikokonsidera ng COMELEC sa en banc sa kanilang magiging pasya sa hiling ng LP.
(UNTV RADIO)
Tags: Campaign Finance Office, Commission on Elections, SOCE