Hiling na tulong ng isang nangangailangan, agad na tinugunan ng Serbisyong Bayanihan

by Erika Endraca | December 29, 2020 (Tuesday) | 4462

METRO MANILA – Halos mangiyak-ngiyak si Elenita Balia dahil natanggap na niya ang hinihiling nitong pandagdag puhunan at ilang groceries para sa kaniyang paubos nang paninda sa kanyang sari-sari store.

Hindi akalain ni Elenita na matatanggap agad nito ang kanyang kahilingan sa programang Serbisyong Bayanihan na ipinangako na sa kaniya ni Kuya Daniel Razon. Sa wakas ay madadagdagan na ang kaniyang paluging tindahan at umaasang makakabangong muli sa kahirapan.

Ayon kay Elenita, hindi na makapagtrabaho ang asawa nito dahil naoperahan ito sa atay noong Pebrero nitong taon kaya halos maubos na ang nagamit nitong sana’y pampuhunan sa kanilang tindahan sa mga medical bills ng kanyang asawa.

Kaya humingi na ito ng tulong sa programa sa pagbabakasakaling matulungang makabangong muli sa pagkakalugmok sa kaharipang dala rin ng pandemya.

Hindi inaasahan ni Elenita na matutugan agad ang kaniyang kahilingan dahil sa dami ng humihingi ng tulong sa programang Serbisyong Bayanihan kaya naman nagulat ito at nabalot ng galak ang kaniyang puso ng agarang maaksyunan at sa loob lamang ng isang araw ay nakuha na agad nito ang inaasam at ipinapanalanging pandagdag puhunan.

(Syrixpaul Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: