Nagkaroon ng katuparan ang kahilingan ng mga residente ng Barangay Old Balara, Quezon City na magdaos ng medical mission ang grupo sa kanilang lugar, matapos itong tugunan ng UNTV at Members Church of God International (MCGI).
Ayon sa punong barangay ng Old Balara na si Allan Franza, hiniling niya sa UNTV na magdaos ng medical mission dahil marami ang nagkakasakit sa kanilang barangay.
Agad naman umaksyon ang UNTV at nagkaloob libreng pedia consultation, medical check-up sa matatanda, optical check-up, dental services at libreng gamot. Mayroon ding libreng gupit at facial. Sa kabuuan ay umabot sa mahigit 1,000 ang naserbisyuhan ng medical mission ng UNTV.
Nagkaroon ng katuparan ang kahilingan ng Barangay Old Balara dahil sa tulong ng mga partners ng UNTV kasama ang BH Partylist at Members Church of God International sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano.
Ang medical mission ay isa lamang sa napakaraming mga serbisyo publiko ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: MCGI, medical mission, UNTV