Naging matagumpay ang idinaos na ‘Songs for Heroes’ benefit concert kagabi sa SM Mall of Asia Arena.
Sama-samang nag-alay ng awitin ang ilang OPM Artists at mga kawani ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines bilang pagbibigay-pugay sa kabayanihan ng 44 SAF troopers.
Kabilang sa musical performers sina Noel Cabangon, Faith Cuneta, Jonalyn Viray, Neocolours, Jason Fernandez, Jek Manuel, Gerald Santos at marami pang iba na naghandog ng makabagbag-damdaming song numbers para sa mga kaanak ng SAF 44.
Ang higit P6 na milyon na nalikom sa konsyerto ay ibinigay ng UNTV at Members Church of GOD International sa mga kaanak ng Gallant 44.
Tags: 44 SAF troopers., SM Mall of Asia Arena., Songs for Heroes