Songs for Heroes Benefit Concert, mamayang gabi na

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 8683

songs_for_heroes.jpg edited

 

Mamayang gabi na ang Songs for Heroes Benefit Concert na alay para sa mga naulilang kaanak ng 44 SAF troopers sa SM Mall of Asia Arena.

Kabilang sa mga performer na maghahandog ng awit para sa kabayanihan ng saf commandos sina Noel Cabangon, Gerald Santos, Faith Cuneta, Bo Cerrudo, Jonalyn Viray, Mcoy Fundales, Jason Fernandez, Jek Manuel at ang bandang Neocolours, may performance din ang AFP at PNP Chorale.

30 pamilya ang inaasahang dadalo sa concert at karamihan sa kanila ay natuwa sa proyekto na layong alalahanin ang kagitingan ng SAF troopers at tulungan ang mga kaanak.

Bagaman sariwa pa ang sugat na iniwan ng pagkamatay ng saf troopers, natuwa na rin sila sa regalong ito ng untv at Members Church of God International at nagpasalamat sa lahat ng mga bumubuo ng proyekto.

Tags: , , , , , , , , , ,