Higit P1B, inilaan ng Defense department para sa pagbili ng night fighting system para sa PHL Army

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 1539

IMAGE_UNTV-News_APRIL242013_PHOTOVILLE-International_RITCHIE-TONGO_Soldiers_EASTMINCOM

May inilaan na mahigit isang bilyong piso ang Department of National Defense para bumili ng night fighting system para sa Philippine Army.

Sa isang bid bulletin na nilagdaan ni Defense assistant secretary Efren Fernandez, may inilaang P1.12 billion para sa pagbili ng 4,464 sets na mga brand new night fighting system.

Kasalukuyan ngayong nag-iimbita ng mga supplier ang DND para lumahok sa bidding ng naturang proyekto na may layuning itaas ang kapasidad ng sandatahang lakas ng bansa.

Ang bidding process ay bukas sa mga local at foreign bidders at gagawin ito sa pamamagitan ng open competitive bidding alinsunod sa itinakda ng government procurement law.

Tags: , , , ,