Walo, sugatan sa pananambang ng NPA sa General Luna, Quezon

by Radyo La Verdad | March 1, 2018 (Thursday) | 9351

Kasalukuyang nang nagpapagaling sa Bondoc Peninsula District Hospital sa Catanauan, Quezon ang limang sundalo at tatlong sibilyan na  tinambangan ng New People’s Army (NPA) sa Quezon Province.

Batay sa ulat, sakay ng military truck ang mga sundalo ng 514th Engineering Construction Battalion  ng 51st Brigade ng Philippine Army  nang pasabugan ng improvised explosive device (IED) at pagbabarilin sa barangay Bacong, General Luna, Quezon.

sugatan sa insidente sina Pfc. Marlon Mercaida, Pvt. King Philip Villalva, Pfc. Addy Mayor, Pfc. Jorge Assistin Jr. at Pfc. Banjodel Rosario.

Nadamay naman ang tatlong sibilyan na sakay ng isang jeep na nagkataong dumadaan lamang sa lugar.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga otoridad ang grupong responsable sa insidente.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,