Higit 30 tao, natabunan ng landslide sa Mt. Province

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 4999

Natabunan ng rumagasang putik at mga bato ang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Banwel, Natonin sa kasagsagan ng Bagyong Rosita kahapon.

Pinangangambahang mahigit tatlumpung tao ang natabunan ng lupa na kinabibilangan ng evacuees at DPWH personnel na on duty.

Batay sa impormasyon na natanggap ng Office of the Civil Defense (OCD) sa Cordillera Administrative Region (CAR), dakong alas singko ng hapon kahapon nang mangyari ang insidente.

Samantala, tatlo na ang narekober mula sa site ngunit pansamatalang itinigil ang rescue operations dahil na rin sa matinding pag-ulan at baha.

Nag-request na ang OCD ng dalawang air force helicopter para makarating sa lugar kasama ang search and rescue teams at K-9 dogs.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,