Itinanggi ni Health Secretary Francisco Duque ang akusasyon ni Senador Panfilo Lacson na nakakuha ng multi-milyong pisong kontrata sa pamahalaan ang kumpangyang pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
Sa kanyang privilege speech kahapon, sinabi ni Sen. Lacson na nakapag-secure ng supply contract sa National Government ang Doctor’s Pharmaceutical Inc. na pag-aari ng pamilyang Duque mula umano 2016 hanggang ngayon.
Ngunit ayon sa kalihim, walang ethics breach o conflict of interest dito dahil taong 2006 pa aniya siyang nag-divest mula sa kumpanya.
Una dito ay isiniwalat din ni Lacson ang umano’y kinakaharap na plunder raps laban kay Duque dahil naman umano sa pag-upa ng Philhealth sa isang gusali sa Dagupan na pag-aari rin nila.
Si Duque ay nagsilbi ring Philihealth President.
Tags: Department of Health, Philhealth, Sec. Francisco Duque