Hazard drill, isinasagawa sa tatlong bayan at 10 eskwelahan sa Iloilo

by Radyo La Verdad | July 19, 2016 (Tuesday) | 4727

LALAINE_DRILL
Sampung paaralan at tatlong bayan sa probinsiya ng Iloilo ang nagsasagawa ng school and community hazard drill kasabay ng pagdiriwang ng Disaster Consciousness Month.

Layon nito na masubok ang antas ng kaalaman ng komunidad sa oras ng kalamidad kagaya ng bagyo, lindol, baha at tsunami.

Napili ang mga bayan ng San Dionsio, Balasan at Carles sa hazard drill dahil storm at flood-prone areas ang mga ito tuwing masama ang lagay ng panahon.

Habang ang mga paaralan naman ang magsisilbing evacuation center ng bawat barangay tuwing may kalamidad.

Magkakaroon ng evaluators ang drill upang malaman kung handa na ang participants sa mga dapat gawin bago, kasalukuyan at pagkatapos ng kalamidad.

Samantala, batay naman sa report ng Department of Education, nasa 1,205 public at secondary schools pa lang sa Western Visayas ang nagsagawa ng earthquake drill.

Sa walong school divisions sa rehiyon ang probinsya ng Guimaras lamang ang 100% na nakasunod sa earthquake drill habang pinakamababa naman ang Iloilo City na nasa 18.46 percent compliance rate.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,