Muling binigyang diin ni President-elect Rodrigo Duterte na pangunahing magiging polisiya niya ang pagsugpo sa kriminalidad at ilegal na droga sa bansa.
Kaugay ng kaniyang mga hakbang na ito, inanunsyo ng incoming president na handa siyang magbigay sa mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Force of the Philippines ng pabuya ng hanggang tatlong milyong piso o depende sa laki ng impluwensya ng kanilang mahuhuling drug pusher o drug lords.
Ayon kay Duterte, kukuhanin ang pondo para sa pabuya mula sa mga nagdonate sa kaniya para sa eleksyon.
Nilinaw ni Duterte na dapat ang magiging operasyon laban sa droga ng mga otoridad ay batay pa rin sa mga umiiral na batas.
Plano rin ni Duterte na gamitin ang AFP laban sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Ayon pa sa incoming president, hihilingin niya sa kongreso na amiyendahan ang probation law at ma-exempt ang mga drug cases.
Kung saan ang probation law ay nagiging takbuhan ng mga drug pusher upang makapag-bail at makapagpatuloy sa kanilang ilegal na gawain.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: drug pusher at drug lords, President-elect Duterte, tatlong milyong pisong pabuya