Halos dalawang libong iskolar, makikinabang sa free education ng La Verdad Christian School ngayong taon

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 4845

Bago pa man naipasa ang batas na nag-aatas sa pamahalaan na magkaloob ng libreng tuition sa kolehiyo, isang paaralan na ang naunang gumawa nito; ang La Verdad Christian School at College.

Walang babayarang tuition ang halos nasa 1,800 pre-school hanggang high school students na balik-eskwela ngayong araw sa La Verdad Apalit, Pampanga.

Bukod sa free tuition, makakatanggap din ang mga estudyante ng libreng lunch, mga libro, uniform at iba pa. Magagamit din nila nang libre ang high quality facilities ng paaralan.

Kabilang na rito ang iba’t-ibang laboratories, library at ang ipinagmamalaki nitong auditorium na may 1,000 seating capacity.

Ang natatanging konsepto ng La Verdad ay mula kay Members Church of God International Overall Servant Bro. Eli Soriano at Mr. Public Service Kuya Daniel Razon. Bukod sa libre, kalidad din ang edukasyon na ipinagkakaloob ng La Verdad.

Katunayan nito, ang iba’t-ibang parangal na taon-taong natatanggap ng mga estudyante. Kaya naman maging ang pamahalaan ay malaki ang pasasalamat sa pagkatatag ng La Verdad.

Kilala rin ang La Verdad sa disiplina na ipinatutupad nito. Ito ay dahil malaki ang pagpapahalaga ng paaralan sa values formation ng mga mag-aaral.

Samantala, ongoing naman ang enrollment para sa college level ng La Verdad Apalit at Caloocan.

Ang La Verdad ay nagkakaloob ng libreng edukasyon sa loob ng dalawampung taon.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,