Halos 600 indibidwal, napaglingkuran ng iba’t-ibang serbisyo ng MCGI, UNTV at KFI

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 3007

Mula pagkabata ay hirap na sa paglalakad ang 66 na taong gulang na si Mang Roberto Castillo. Ito rin ang dahilan kung bakit wala siyang regular na trabaho para may ipantustos sa kanyang mga pangangailangan maliban sa pagkain.

Kaya naman kahit na nais makapagpatingin sa doktor ay hindi niya magawa sa kabila ng mga dinaramdam.

Kaya naman ikinatuwa nito ang pagsasagawa ng medical, dental at legal mission ng Members Church of God International (MCGI), Kamanggagawa Foundation Incorporated (KFI) at UNTV sa Brgy. Pury sa San Antonio, Quezon kamakailan.

Hindi lamang siya nakapag-avail ng libreng medical consultation, kundi nabigyan din ng salamin sa mata at libreng gamot.

Bukod kay Mang Roberto, umabot sa halos pitong daang iba pa ang napaglingkuran ng grupo sa iba’t-ibang serbisyong medikal at ligal na kanilang isinagawa.

Karamihan sa mga nagpagamot ay ang mga batang may ubo at sipon dahil sa pabago-bagong klima.

Ito ang unang pagkakataon na dinayo ng grupo ang lugar upang makapagsagawa ng medical mission.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,