Halos 400 residente sa San Antonio, Nueva Ecija, napaglingkuran sa medical at dental mission ng MCGI at UNTV

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 7196

Isang first class municipality sa Nueva Ecija ang bayan ng San Antonio at karamihan ng mga kababayan natin dito ay kumukuha ng ikabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at paggawa ng walis tambo.

At dahil sapat lang sa pang-araw-araw na pangangailangan ang kanilang kinikita ay hindi nila nabibigyang prayoridad ang pagpapagamot sa tuwing may mga karamdaman.

Problema din ang malayong lokasyon ng mga pagamutan. Kaya naman isa ito sa napiling maging benipisyaryo ng medical mission ng UNTV at Members Church Of God International nitong weekend.

Karaniwang dinaramdam ng mga residente sa lugar ang mataas ng presyon ng dugo, problema sa mata, skin diseases, ubo at sipon at iba pa.

Nasa tatlongdaan at walumpu ang napagkalooban ng libreng serbisyon ng UNTV at MCGI sa lugar, katulong ang Partners in Public Service nito.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,