Halos 300 kadete, nagtapos sa Philippine Military Academy

by Radyo La Verdad | March 19, 2018 (Monday) | 14878

Dalawandaan at walumpu’t dalawang kadete ng Philippine Military Academy Class of 2018 o Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas ang batch ang nagsipagtapos kahapon sa Baguio City.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang graduation rites. Valedictorian ng klase si Cadet 1CL Jaywardene Hontoria. Pinagkalooban din nito ng house and lot si Hontoria. Si Hontoria ay bente singko anyos, registered nurse at anak ng isang  magsasaka.

Bukod sa pagiging valedictorian, humakot din si  Hontaria ng iba’t-ibang awards tulad na Presidential Saber Award na ang pangulo mismo ang nagbigay, Philippine Navy  Saber  at Chief of Staff Saber.

Binilinan naman ni Pangulong Duterte ang mga bagong military personnel na maging matapat sa kanilang tungkulin na paglilingkod-bayan.

Ang PMA “Alab Tala” class ng 2018 ang nakapagtala ng may pinakamaraming nagsipatapos sa PMA sa loob ng tatlumpung taon.

Ito rin ang batch na may pinakamaraming bilang ng mga babaeng nagtapos na umabot sa pitumput lima.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,