Halos 12,000 evacuees sa Legazpi City, Albay, posibleng payagan ng umuwi

by Radyo La Verdad | January 19, 2018 (Friday) | 2036

Umabot na sa mahigit walong libo at anim naraang pamilya o mahigit 35 thousand na evacuees ang inilikas sa Albay dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Ilan sa mga ito ay ang mga nakatira sa 8 kilometers na layo mula sa Mayon.

Bagamat hindi sakop ng 6km permanent danger zone at 7km extended danger zone, kinailangan silang ilikas ng lokal na pamahalaan noong isang linggo.

Base sa obserbasyon ng Philippine Insitute of Volcanology ang Seismology o PHIVOLCS, ang timugang bahagi ng bulkan ang ipinaka-apektadong lugar ng ash fall. Ang mga ito ay ang bayan ng Guinobatan at Camalig sa Albay.

Kaya naman plano ng lokal na pamahalaan na pauwiin na muna ang nasa halos labindalawang evacuees na hindi naman masyadong apektado ng abnormalidad ng Mayon Volcano. Sila ay ang mga nasa evacuation center sa mga barangay ng Buyson, Mabinit, Bonga, Matanag at Padang.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Sec. Harry Roque na ang bawat hinaing at mensahe ng mga local officials sa Albay ay ipaparating nito sa Pangulo.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

Tags: , ,