Halaga ng pinsalang iniwan ng “Bagyong Rolly” sa mga pampublikong imprastraktura, pumalo sa P5.76-B – DPWH

by Erika Endraca | November 4, 2020 (Wednesday) | 8955

Ipinahayag ni Department of Public Works and Highway (DPWH) secretary Mark A. Villar, na umabot sa P5.756-B na halaga ng mga nasirang imprastraktura ang idinulot ng pananalasa ng Bagyong Rolly kung saan P1.515-B dito ay sa mga daan, samantalang P458.2-M naman sa mga tulay, nasa P458.2-M naman ang halaga ng mga nasirang flood-control structures, P367.25-M sa mga public buildings at P1.379-B sa iba pang mga imprastraktura.

Dagdag pa ng kalihim na P4.621-B sa kabuuang pinsala sa imprastraktura ay galing sa Bicol region kung saan pangunahing nanalasa ang bagyo.

Sa ulat ng DPWH ng Bicol Region , mayorya sa mga kalsada sa probinsya ng Catanduanes ay hindi pa rin madaan dahil sa mga landslide,

Hinimok naman ni Sec. Villar ang DPWH na kung maari ay bilisan ang clearing operation na ginagawa partikular na sa probinsya ng Catanduanes.

Sa ngayon ay umabot na sa 19 na mga kalsada ang naisaayos at nabuksan ng clearing response team ng DPWH.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,