Halaga ng pinsala ng El Niño sa Agrikultura, umabot na sa halos P8 billion

by Radyo La Verdad | April 26, 2019 (Friday) | 6328

Manila, Philippines – Umabot na sa 7.96 billion pesos ang halaga ng pinsala nsa bansa  dahil sa epekto ng El Niño.  Mula ito sa halos 278 na libong ektarya ng agrikultural land at mahigit 247 na libong magsasaka at mangingisda.

Pinakamarami ang naapektuhang pananim na palay at mais kasama na ang high value crops at isda.

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa programang Get It Straight with Daniel Razon na wala nang 1% ang inaasahang pinsalang ito na inaasahang produksyon ng palay ngayong taon na 20 million metric tons.

Sa mais naman ay halos 3% ng target na production na 8.64M MT ang nasira.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng cloud seeding operation ang Depart of Agriculture (DA) sa mga lugar na apektado ng tagtuyot.

Samantala, umabot na sa 41 ang mga lugar na nakararanas ng drought kung saan sa nakalipas sa tatlong magkakasunod na buwan ay nabawasan ng mahigit ng 60% ang naranasang ulan.

Naging normal naman ang naranasang ulan sa Cagayan at Isabela area kaya’t ‘di na sila nakasama sa mga lugar na nakaranas ng meteorological drought.

Ayon sa PAGASA, posibleng tumagal pa ng hanggang Agosto ang pagiral ng El Niño subalit sa Mayo ay inaasahang maraming mga lugar na sa bansa ang makararanas ng normal na dami ng ulan.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,