Halaga ng pinsala ng bagyong Ineng sa imprastraktura at agrikultura sa Ilocos Norte, umabot na sa halos P600-M

by Erika Endraca | August 26, 2019 (Monday) | 22190

MANILA, Philippines – Base sa datos kahapon (August 25) ng Ilocos Norte Provincial Disaster Risk Reduction Management And Resiliency Council (PDRRMC), nasa  167 na barangay at mahigit 9,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyong Ineng sa Ilocos Norte .

Tinatayang umabot naman sa halos P600 M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura , habang 2 naman ang naitalang nasawi. 

Samantala, dahil sa naranasang pagbaha at walang tigil na pag-ulan, halos magkasunod na idineklara ang State of Calamity sa Laoag at buong probinsya ng Ilocos Norte noong Sabado (August 24).

 (Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,