Halaga ng pinsala matapos ang malakas na lindol sa Luzon umabot na sa mahigit P500 M

by Erika Endraca | April 29, 2019 (Monday) | 24767
pampanga

Manila, Philippines – Umabot na sa mahigit 500 milyong piso ang halaga ng pinsala ng malakas na lindol sa Luzon noong nakaraang Lunes ng hapon.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of  6am kahapon, nakapagtala na ng 868 aftershocks na may lakas na 1.4 hanggang 4.5 magnitude at intensity sa region one hanggang region 3. 18 ang kumpirmadong nasawi, 243 ang injured at 5 pa ang nawawala.

Mahigit isang libo at limang daan ang na-apektuhang bahay. Kung saan one hundred sixty two na bahay ang totally damage o winasak ng lindol habang nasa one thousand three hundred eighty seven naman ang partially damage sa bataan, pampanga at zambales.

Samantala 334 naman na istraktura at gusali ang nagakaroon ng damage sa region 1, 3 National Capital Region at Calabarzon.

Samantala Aabot naman sa mahigit 500 milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga kalsada, tulay at mga eskwelahan.


Tags: , , ,