Halaga ng bahagi ng yaman na planong ibalik ng mga Marcos, hindi pa napag-uusapan – Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 2049

Nakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ilocos Norte Governor Aimee Marcos kaugnay ng nais ng pamilya nito na magsauli ng bahagi ng yaman ng mga ito sa pamahalaan.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa pagdalo nito sa kaarawan ni Cong. Karlo Nograles sa Davao City noong Sabado. Ngunit wala umano silang napag-usapan kung magkano ang ibabalik ng mga ito na  halaga. Ayon sa Pangulo, hindi rin umano sinabi ni Gov. Imee kung  nakaw na yaman nga ba ang kanilang isasauli.

Pinabulaanan din ng Pangulo ang kumakalat na balita na ang planong pagsasauli ng pamilya ng bahagi ng yaman ng mga ito ay bahagi ng operasyon para sa plano ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tumakbo bilang Pangulo.

 

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,