Habagat, magpapaulan pa rin sa Luzon; Bagyong Inday, inaasahang lalabas na ng PAR bukas

by Radyo La Verdad | July 20, 2018 (Friday) | 2087

Apektado pa rin ang Luzon ng habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.

Makararanas ng malalakas na pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, CAR, Bataan, Zambales, Batanes at Babuyan Group of Islands.

May paminsan-minsan ding pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon. Posible ring makaranas ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Namataan ng PAGASA ang Bagyong Inday sa layong 995km sa east northeast ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 85kph at pagbugso na aabot sa 105kph. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15kph.

Ayon sa PAGASA, bukas ay inaasahang lalabas na rin ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo at wala itong direktang epekto sa bansa.

Ang high tide sa Manila Bay ay aabot sa 0.84 meters dakong 3.33pm ngayong araw.

Tags: , ,