Nagpapatupad ng labing limang araw na gun ban ang Department of the Interior and Locale Government sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon simula November 1 hanggang November 15.
Layon nito ay para sa seguridad ng mga delegasyon ng iba’t-ibang bansa na dadalo sa ASEAN Summit.
Ang suspensyon ng permit to carry firearms outside residence ay rekomendasyon mula sa Philippine National Police.
Exempted ang PNP at AFP sa gunban, subalit kailangan nilang sumunod sa mga alituntunin ng naturang kautusan.
Ayon sa PNP, hindi exempted ang mga sibilyan na mayroong natatanggap na mga death threats at wala ring aplikasyon para makakuha ng exemption ang mga ito.
Maaaring ma-revoke o makansela ang lisensya ng lahat ng mahuhuling hindi pinahihintulutan na magdadala ng baril.
Samantala, ipinatupad din ng DILG ang no sail zone sa ilang bahagi ng Manila Bay simula November 5 hanggang November 16.
Hindi pwedeng pumalaot ang mga sasakyang pandagat malapit sa Hotel H2O, Manila to Okada Hotel at New Seaside Drive sa Paranaque City. Gagawin namang controlled zone ang Pasig River papalabas ng baybayin ng Hotel H2O.
E-eskortan ng Philippine Coast Guard ang lahat ng mga sasakyang pandagat na manggagaling sa ilog Pasig.
Nilinaw naman ng DILG na hindi na sakop ng no sail zone at controlled zone area ang labas ng one nautical mile sa mga nabanggit na lugar.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: ASEAN Summit, gun ban, Luzon