GSIS, mag-aalok ng emergency loan para sa members at pensioners sa Northern Luzon na naapektuhan ng lindol

by Radyo La Verdad | August 1, 2022 (Monday) | 2329

METRO MANILA – Nakahanda na ang Government Service Insurance System (GSIS) na mag-alok ng emergency loan sa mga GSIS member at pensioner nito na naapektuhan ng 7.3 magnitude na lindol sa Northern Luzon.

Sa naging pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso, sisiguraduhin aniya nila na makatatanggap ng financial assistance ang mga miyembro at pensioner sa ilalim ng emergency loan kaalinsabay ng pagche-check kung may mga government properties na nangangailan
din ng assistance.

Makakahiram hanggang P40,000 ang GSIS members na may kasalukuyang emergency loan balance samantalang maaaring mag-apply ng emergency loan na nagkakahalaga ng P20,000 ang mga miyembro na walang existing emergency loan gayundin ang mga pensioner.

Kwalipikadong mag-apply sa emergency loan ang active members na walang kinahaharap na isyu sa GSIS at maaaring bayaran ang loan sa loob ng 36 na buwan na may 6% interest.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: