Nagtungo sa tanggapan ng alkalde ng Rodriguez, Rizal ang mga miyembro ng grupong Kadamay.
Sila ang mga kasalukuyang illegal settler sa isang government relocation site para sa mga biktima ng Bagyong Ondoy noong 2009.
Hiling nila sa lokal na pamahalaan, mabigyan sila ng permanenteng pabahay sa La Solidaridad State na sinubukan nilang okupahin noong nakaraang linggo. Binigyang katwiran din nila muli ang ginawang pagpasok sa naturang housing units.
Anila, kung hindi nila gagawin yun ay hindi sila bibigyang pansin ng pamahalaan.
Ayon naman kay Rodriguez Mayor Cecilio Hernandez, may plano sila na kumuha ng lupa upang gawing pabahay at prayoridad dito ang mahihirap na wala takagang matirhan.
( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )