Grupo ng mga magsasaka sa Davao, hiniling ang paglalabas ng calamity fund para sa mga naapektuhan ng tagtuyot

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 2695

MAGSASAKA
Nagsagawa ng isang rally ang iba’t ibang samahan ng mga magsasaka mula sa mga lugar kung saan pinakaramdam ang epekto ng El Niño, sa Davao City.

Hinihingi ng grupo ang release ng calamity fund ng gobyerno upang makatulong sa kanila at ang hustisya para sa kanilang mga kasamahan sa nangyaring dispersal sa Kidapawan City.

Nanawagan rin ang mga magsasaka sa lokal na pamahalaan ng probinsya ng Cotabato na huwag ng ituloy ang kaso laban sa kanilang mga kasamahan.

Kinukondena ng mga magsasaka ang pagpunta sa kanila ng mga armadong SWAT Team gabi ng Myekules upang pagbawalan mag set up sa harapan ng tanggapan ng Department of Agriculture dito sa Davao City.

Pinabulaanan naman ito ng Regional Director ng PNP Region XI na si PCSupt Manuel Gaerlan.

Ayon sa PNP, bagamat walang permit ang rally, ine-exercise nila ngayon ang maximum tolerance.

Pinabulaan naman ng Department of Agriculture, na wala silang ginagawa upang bigyan ng solusyon ang suliranin ng mga magsasaka sa El Niño.

Ayon kay Assistant Regional Director Dr.Rafael Mercado hindi rin naka depende sa kanila ang pag release ng calamity fund.

Inaasahang may darating pang ibang magsasaka mula sa Davao Oriental at sa iba’t ibang rehiyon sa Mindanao na tinatayang aabot sa 300-400 para sa pagpapatuloy ng kanilang rally ngayon araw.

(Joeie Domingo/UNTV NEWS)

Tags: , ,