Tinutulan ng grupong Kilus Magniniyog ang umano’y mga pagbabago sa mga probisyon ng panukalang batas para magamit ang coco levy fund o ang coconut farmers’ trust fund.
Ito umano ang lumabas sa nangyaring debriefing ng bicameral conference committee nito lamang ika-1 ng Agosto.
Ayon sa grupo, sa halip na bumuo ng trust fund committee ay napagkasunduan ng bicam na sa Philippine Coconut Authority (PCA) na ipaubaya ang coco levy fund.
Mahirap anila ito dahil mangangailangan pa ng panibagong batas para baguhin naman ang balangkas ng PCA.
May probisyon din umano na kapag hindi nagamit ng pondo sa loob ng dalawampu’t limang taon ay ibabalik ito sa Bureau of the Treasury.
Inalis din umano ang 5 ektaryang limit sa mga may-ari ng taniman ng niyog sa mga dapat unahing benipisyaryo ng pondo at sa halip ay magiging bukas na ito kahit sa mga may-ari ng malalaking lupain ng niyugan.
Tags: Coco Levy Fund, Kilus Magniniyog, PCA