Grupo ng mga estudyante, nagprotesta kontra voucher program ng Department of Education

by Radyo La Verdad | April 13, 2016 (Wednesday) | 2094

JOAN_RALLY
Nagtungo sa tanggapan ng Department of Education ang ilang grupo ng mga estudyante at mga magulang kaninang umaga, upang iprotesta ang isyu hinggil sa ipinatutupad na voucher program ng ahensya.

Ayon kay Aries Gupit ang secretary general ng League of Filipino Students, may ilang mga estudyante na papasok sa senior high school ang hindi umano pinapayagang makapag-enroll sa Polytechnic University of The Philippines o PUP-Manila campus kahapon, kung hindi ito naka-pag avail ng voucher program ng DEPED.

Ang voucher program ay isa sa mga proyekto ng kagawaran, kung saan bibigyan ng tulong pinansyal ang lahat ng mga estudyante na papasok sa senior high school na walang kakayahang suportahan ang kanilang pagaaral.

Sa pahayag ng grupo kanina, sinabi nito na november 2015 pa ng maglabas ang pup ng listahan ng mga requirement na kakailangnin ng mga estudyanteng mag-eenroll sa senior high school.

Subalit hindi naman anila kasama rito ang pag-aaply sa voucher program ng DEPED.

Sa ngayon ay patuloy na nakikipagugnayan ang LFS sa PUP-admin upang liwanagin ang panuntunang ito ng unibersidad.

Sa kabila ng naging desisyon ng Korte Suprema kung saan pinapayagan na ang implementasyon ng K to 12 program, muli pa ring nanawagan at patuloy na umaasa ang mga grupong ito ng kabataan at mga magulang na ipatitigil pa rin ito ng susunod na administrasyon.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: