Gov’t Peace Panel, ikinabahala ang desisyon ng CPP-NPA na paigtingin ang pag-atake sa Mindanao sa gitna ng Martial Law

by Radyo La Verdad | May 25, 2017 (Thursday) | 1454


Ikinabahala naman ng Government Peace Panel ang desisyon ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army na paigtingin ang opensiba on mga pag-atake nito sa Mindanao sa gitna ng umiiral na Martial Law.

Pinababawi ni Government Peace Panel Chair at Labor Secretary Silvestre Bello sa Communist Party of the Philippines ang order nito sa New People’s Army na paigtingin ang opensiba o mga pag-atake sa mindanao sa gitna ng umiiral na Martial Law.

Insulto din aniya ito sa sinseridad ng CPP sa isinasagawang usapang pangkapayapaan sa pamahalaan.

Nanawagan ang opisyal na bawiin ng CPP ang order nito sa NPA na paigtingin ang kanilang mga opensiba.

Tags: , , ,