METRO MANILA – Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na sanaying mabuti ang mga nasa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers sa gobyerno.
Ito ay para matulungan silang makapasa sa Civil Service Examination (CSE) at makakuha ng plantilla o permanent position sa pamahalaan.
Kaugnay nito, pinalawig ni PBBM ang pagtatrabaho ng COS at JO workers ng 1 pang taon.
Ang kanilang kontrata ay nakatakda sanang magtapos sa Disyembre.
Base sa datos ng Presidential Communications Office, as of June 30 ngayong taon, 29.68% ng government workforce o katumbas ng 832,812 ang COS at JO workers.
Tags: CSE, Gov't Employee, PBBM