Good governance at paglaban sa korapsyon, dapat ituloy ng susunod na kalihim ng DPWH

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 4355

SINGSON
Sa tatlumput dalawang libong kilometrong kalsada na ipinangakong aayusin ng Department of Public Works and Highways, nasa mahigit dalawang libong kilometro na lamang ang natitira.

Ito ang ipinagmalaki ni DPWH Secretary Rogelio Singson sa kanyang nalalapit na pagalis kasabay ng kahilingan sa papalit na kalihim na ituloy ang mabuting pamamahala at paglaban sa kurapsiyon na kanilang ginawa sa loob ng anim na taon.

May ilang proyekto ang hindi pa natatapos sa ngayon gaya ng Skyway Stage 3 Project, NAIA Expressway at ang NLEX at SLEX connector

Ilan sa PPP Project ng DPWH na makakatulong upang mapaluwag ang trapiko sa Metro Manila

May tinatawag rin na convergence project ang DPWH na kung saan katulong nila ang Department of Tourism, Department of Transportation and Communication at Department of Agriculture.

Kamakailan naman ay napabalita na posibleng ma-retain bilang DPWH Secretary si Singson ngunit ayon sa kalihim, nais na rin niyang magretiro sa government service.

Samantala, kinumpirma naman ni Sen. Cynthia Villar na tinanggap na ng kanyang anak na si Las Piñas Congressman Mark Villar ang alok ni Duterte na maging kalihim ng Department of Public Works and Highways.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: