Pagkakaroon ng ISO Certification ng mga Regional Office ng DPWH, ibinida sa 117th anniversary ng ahensya

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 3548

Nakakuha ng ISO Certification ang ilang Regional at District office ng Department of Public Works and Highways.

Ito ang ipinagmalaki ni DPWH Secretary Rogelio Singson kay Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng 117th anniversary ng ahenysa.

Kabilang sa nabigyan ng ISO Certification for quality management ay ang National Capital Region Office , Region 11 at Davao City Engineering Office.

Inihayag rin ng DPWH ang kanilang naging accomplishment sa nakalipas na taon.

Kabilang rito ang 3,493 kilometers road preventive maintenance work, 1,577 kilometers road widening at construction ng 520 kilometers highway.

Tags: