Sumiklab ang sunog sa basement 2 ng construction site Tower B ng SM Megamall sa Mandaluyong City, pasado alas siete kagabi.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang building na under construction sa Mall Complex ang tinupok ng apoy.
Mabilis na nabalot ng makapal na usok ang nasabing building, sa kapal ng usok ay pumasok na rin sa ito sa loob ng Mega Fashion Hall ng mall.
Dahil dito, hindi na muna pinapasok ang mga customer sa loob ng mall at pinalabas na rin agad ang mga mamimili. Pinababa naman agad sa basement level 1 ang mga motoristang may sasakyan sa apektadong parking area.
Ayon kay Fire Supt. Ruben Ramirez, ang Mandaluyong City fire marshall, nagsimula ang sunog sa barracks ng mga construction worker.
Tuluyan na itong naapula bandang ala una medya kaninang madaling araw. Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente ngunit isa sa mga customer ang dinala sa hospital matapos itong mahirapang huminga.
Dahil sa insidente, sinuspindi muna ng management ng mall ang construction ng building habang nagsasawa ng imbestigasyon ang mga otoridad.
( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )
Tags: Mandaluyong City, SM Megamall, sunog