Gemma Lubigan, tatakbo bilang alkalde ng Trece Martires

by Radyo La Verdad | October 17, 2018 (Wednesday) | 4274

Sinamahan ng mga supporter ng napaslang na si Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan ang asawa nito nang magfile ng kandidatura para sa pagka-alkalde. Bilang suporta kay Gemma Lubigan, pumunta rin kanina si Cavite Governor Jesus Crispin Remulla, kapatid nito at dating Gobernador Jonvic Remulla at Vice Governor Ramon Jolo Revilla.

Sa Pampanga, isa-isa na rin naghain ng COC ang mga nais maging alkalde ng Angeles City. Kabilang dito si Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Clark International Airport President/CEO Alexander Cauguiran at incumbent Vice Mayor Bryan Nepumoceno.

Kabilang din sa nagpasa ng kandidatura upang tumakbo bilang bise alklade si dating Mabalacat City Mayor Marino “Boking” Morales na kabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Bulacan, matapos ang siyam na taon panunungkulan, ipagpapatuloy ng tambalang Alvarado at Fernando ang paglilingkod sa darating na 2019 election. Nagfile ng COC sa pagka-bise governador si governor Wilhelmino Sy Alvarado, habang governor naman si Vice Gobernor Daniel Fernando, sa ilalim ng Partido National.

Ayon sa dalawa, nagpalit sila ng pwesto dahil nais nilang ipagpatuloy ang kanilang pinasimulan na proyekto, pangunahin na ang kalusugan, kalikasan, at edukasyon.

Sa Leyte Province, naghain na kahapon ng COC ang ilang miyembro ng kilalang political clan sa Leyte. Kabilang dito si Congresswoman Lucy Torres-Gomes na muling tatakbo bilang  representative ng 4th District ng Leyte.

Kasama nito sa paghahain ng COC ang kaniyang ama at kapatid na si Matt Torres na tatakbo naman bilang mayor ng Kananga, Leyte.

Naghain rin ng kandidatura ang mga pamangkin ni dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos na si Ferdinand Martin “FM” Romualdez na tatakbo bilang congressman ng unang distrito.

Tatakbo rin ang pinsan nitong si dating Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na tatakbo muli bilang alkalde.

At sa Cebu, pormal nang naghain ng kanyang COC si Cebu Province Governor Hilario Davide III upang tumakbo bilang vice-governor sa probinsya ngayong 2019 midterm elections.

Magpapalit lang ng posisyon si Davide at Vice-Governor Agnes Magpale na makakatunggali naman ni Rep. Gwen Garcia.

 

( Gladys Toabi / UNTV Correspondent )

Tags: , ,