GCQ with heightened restrictions, ipatutupad sa NCR Plus, simula May 15 – May 31

by Erika Endraca | May 14, 2021 (Friday) | 2610

METRO MANILA – Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force na isailalim sa General Community Quarantine with heightened restrictions ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula may 15 hanggang 31.

Sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, papayagan nang makalabas ang edad 18 hanggang 65 years old sa kanilang mga tahanan, pwede ang essential travel sa loob at labas ng NCR Plus, papayagan ang indoor dine-in service hanggang 20% capacity, 50% naman sa outdoor dining, outdoor tourist attractions sa NCR Plus areas sa 30%, papayagan na rin ang specialized markets ng tourism department,

10% venue capacity sa mga religious gathering, neurological service at funeral, non-contact sports, games, 30% capacity naman sa personal care services tulad ng salons, parlors beauty clinics.

Hindi pa rin papayagan sa GCQ with heightened restrictions ang bars, concerts, sinehan, internet cafes, billiard halls, arcade, amusement parks, fairs, playground, kiddie rides, indoor sports courts & venues, indoor tourist attractions, venues ng mga meeting, conference at exhibition at bawal pa rin ang interzonal o pagtatawid tawid ng lugar mula sa ncr plus areas kung hindi naman Authorized Persons Outside Residence.

General Community Quarantine (GCQ) naman sa Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City at Lanao Del Sur.

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) naman sa City of Santiago, Quirino Province, Ifugao at Zamboanga City.

Sa nalalabing mga lugar sa pilipinas ay isasailalim sa modified general community quarantine mula May 15 – 31.

Nakiusap naman si Pangulong Duterte na kung maaari ay ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng mga fiesta o malalaking pagtitipon tipon.

Muli ring binalaan ng Pangulo ang mga local official, lalo na ang mga barangay official na mga nagpapabaya sa kanilang tungkulin na bantayan ang mga lumalabag sa ipinatutupad na health protocol ng pamahalaan.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,