GCQ, umiiral sa malaking bahagi ng Pilipinas; ilang lugar sa bansa, nasa ilalim ng ECQ at MECQ

by Erika Endraca | May 18, 2020 (Monday) | 3536

SA METRO MANILA – Simula noong Sabado, May 16 hanggang sa May 31, 2020, nasa ilalim na ng General Community Quarantine(GCQ) ang malaki bahagi ng bansa.

Pero nananatili pa ring nasa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City at Mandaue CIty sa Visayas region hanggang sa katapusan ng buwan.

Samantala bukod sa Metro Manila, Laguna inaprubahan din ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ilagay muna sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Bataan, Bulacan, Zambales, Nueva Ecija at Pampanga, kabilang ang highly urbanized city ng Angeles

Nakabatay ang desisyon ng IATf sa bilang ng kaso ng coronavirus disease, kapasidad sa health care system at sa rekomendasyon ng mga lokal na pamahalaan.

 
“Karamihan ponng nag-apila ay napagbigyan naman po, ang nabago po ngayon, may dalawang siyudad sa Cebu na nasa ilalim ng ECQ, ang Cebu City, ang Mandaue City. At ang napasailalim po ng MECQ ay Metro Manila, Laguna at ang Region iii bukod sa probinsya ng Tarlac at Aurora.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Tags: , , ,