Full scale exercise para sa APEC Summit gagawin sa sabado ng madaling araw

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 1102

MARQUEZ
Uumpisahan na sa sabado, alas-dos ng madaling araw ang full scale exercise ng Philippine National Police para sa convoy ng mga delegado na dadalo sa APEC Summit.

Ayon kay PNP Chief P/Dir.Gen. Ricardo Marquez, dito masusukat kung ilang minuto ang aabutin sa biyahe ng convoy ng isang delegado mula sa hotel patungo sa activity area.

“We are planning to start it at 2am so that the media will not be there, so it will cause least inconvenience actually yun ang reason kasi normally when we run full scale exercises ang guidelines ay don sa hindi tayo makaka inconvenience.” Pahayag ni Marquez.

Marami na rin ang isasarang kalsada tulad ng Roxas Boulevard kaya’t tiyak na makararanas ng matinding traffic ang mga motorista.

Payo ni Marquez sa mga motorista iwasan munang dumaan sa Roxas Blvd., Pasay, Manila at Makati kung di naman importante.

Nakiusap din si DILG Sec. Mel Senen Sarmiento sa publiko na makipagtulungan upang maging maayos ang pagdaraos ng APEC sa bansa na isang beses lamang nangyayari sa loob ng 20 taon. ( Lea Ylagan/ UNTV News)

Tags: