Full scale crash exercise, isinagawa sa naia bilang paghahanda sa APEC Summit

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1443

MON_EXERCISE
Isang full scale crash exercise ang isinagawa ng Manila International Airport Administration sa NAIA bilang paghahanda sa nalalapit na APEC Summit.

Dito masusubok ang kahandaan ng miaa sa mga di inaasahang aksidente lalo na at dalawampung lider ng ibat ibang bansa ang darating sa Pilipinas sa susunod na Linggo.

Isang replica ng eroplanong nag crash ang isi- net up ng miaa upang isagawa ang full scale crash exercise.

Gamit ang mga makabagong fire truck, mabilis na naapula ang apoy sa nag crash na eroplano.

Sabay sabay ring nagdatingan ang mga ambulansya upang gamutin ang mga sugatan.

Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, masusubok ang mabilis na pagtugon ng primary rescue group ng miaa na binubuo ng rescue and firefighting division, medical division, airport police department, airport ground operations division, CAAP, command center at public affairs office.

Makikita rin dito ang mabisang communication system sa pag tugon sa mga emergency sa airport.

Simula ng dumating ang mga rescue groups ay tumagal ng tatlumpung minuto ang proseso ng rescue drill.

Bagamat may napansin na kaunting kakulangan ang miaa sa ginawang pagsasanay, itinuring pa rin itong excellent sa standard ng ICAO at nakamit ang pinakamataas na kategorya.

Ayon sa MIAA, kahit walang idaraos na malaking event sa bansa ay ginagawa nila kada dalawang taon upang makatugon sa security standard ng International Civil Aviation Organization o ICAO.

Samantala, umabot na sa mahigit isang libong flights ang nakansela dahil sa APEC Summit.

1,125 dito ay domestic flight habang 239 naman ay international.

Na kansela ang mga naturang flights dahil kinakailangang isara ang mga runway upang bigyang daan ang pagdating at paalis ng mga APEC Economic Leaders.(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: , , ,