Isinumite na sa Senado ng Citizens Peace Council ang kanilang full report hinggil sa proposed Bangsamoro Basic Law ngayong araw.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, ang nasabing ulat ng Peace Council ay magiging bahagi ng Senate record at gagamitin para klaruhin ang ilang isyu sa pagdinig ng Senado sa BBL.
Oras na makapasa sa committee level ang BBL ay sisikapin ng mga senador na tapusin ito batay sa itinakdang deadline.
Ayon naman kay Senador Bongong Marcos, chairman ng Senate committee on Local Government, makatutulong ang full report ng Peace Council sa BBL hearing pero di nito magagarantiyahan na mapabibilis ang pagpapasa ng panukala lalo’t inaasahan na mainit na debate pagdating sa plenaryo.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng pagdinig ang komite ukol sa BBL at dito ay kinaklaro ang mga nakapaloob sa report ng Peace Council.(Meryll Lopez/Bryan De Paz, UNTV)
Tags: Bongbong Marcos, Franklin Drilon, National Peace Council, Senate