French President Francois Hollande, nagdeklara ng state of war laban sa ISIS

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 3656

FRENCH-PRESIDENT-FRANCOIS-HOLLANDE
Nagdeklara ng state of war si French President Francois Hollande laban sa Islamic State at nangakong gagawin ang lahat upang mapigil ang terrorismo

Tinutupad na rin ng French Government ang pahayag na pananagutin ang mga may kagagawan sa pagkasawi ng isang daan at tatlumpu’t dalawang tao noong biyernes.

Bukod sa airstrike sa Syria, mahigit sa isang daan anti-terror raid ang isinagawa ng french police sa nakalipas na 48 oras sa mga tahanan ng mga pinaghihinalaang islamic militants.

Dalawampu’t tatlo ang naaresto sa mga isinagawang raids.

Nakakumpiska rin ng tatlumpu’t isang heavy weapons kabilang na ang isang rocket launcher, computer hard drives, telepono at ilegal na droga sa labing walong bahay na ni-raid

Sa loob ng apat-napu’t walong oras nakapag issue na ng mahigit isang daang warrant for house arrest sa mga taong hinihinala ng mga otoridad na sangkot sa pag-atake.

Ayon sa French intelligence, dahil sa mga raid ay limang planong pag atake ang kanilang napigilan.

Pinag-iingat naman ng french government ang mga mamamayan nito at umiwas na lumabas sa kanilang mga tahanan kung wala namang mahalagang pupuntahan dahil sa may mga posibilidad pa umano ng mga pag atake. (Piching Vizcarra Garin/UNTV News)

Tags: ,