Free trade agreement sa pagitan ng ASEAN at Hongkong, lalagdaan na sa Nobyembre

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 2007

Naisapinal na ng Association of South East Asian Nations o Asean at ng Hongkong Special Administrative Region of China ang mga kundisyon at patakarang nakapaloob hinggil sa planong free trade and investment agreement.

Layon nito na lalo pang mapag-ibayo at mapatatag ang magandang relasyon sa negosyo at pakikipagkalakalan ng ASEAN Region sa Hongkong. Inaasahan na makatutulong ito upang madagdagan ang pagpasok ng mga investment ng Hongkong sa Pilipinas bilang isa sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Nangangahulugan ito ng mas maraming job opportunities sa mga Pilipino at mabibigyan rin ng mas malawak na market access sa Hongkong ang mga kababayan nating exporter.

Noong 2016, ang Hongkong ang ikatlo sa pinakamalaking export market ng mga produkto ng Pilipinas sa buong ASYA na nakapagtala ng 6.62 billion US dollar merchandise export value.

Kasama rin sa kasunduan ang pagbabahagi ng Hongkong ng kanilang economic and technological work program  na mapag-ibayo ang kakayahan at oportunidad ng mga micro small medium enterprises sa larangan ng pagnenegosyo.

Sa Nobyembre, lalagdaan na ng ASEAN Economic Ministers at Hongkong counterparts ang nasabing kasunduan, kaalinsabay ng gaganaping ASEAN Summit sa Clark Pampanga.

 

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,