Uumpisahan na sa darating na Nobyembre ang negosasyon ng China at Asean countries sa pagbuo ng code of conduct sa West Philippine Sea. Ito ay matapos na i-adopt ng China at Asean ministers ang framework ng COC sa Asean-China ministerial meeting kahapon sa PICC.
Pero ang China, may kondisyon ayon sa isang statement sinabi ni Minister Wang Yi na makikiisa sila dito kung hindi makikialam ang ibang bansang hindi naman miyembro ng Asean.
Ang panukalang COC ay isang kasunduan upang matiyak ang pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa South China Sea.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, habang wala pang code of conduct ay mananatili ang kooperasyon sa pagitan ng China at Asean member-countries upang hindi na lumala pa ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Ngunit ayon sa DFA, wala pang katiyakan kung ihihinto ng China ang pagtatayo ng military facilities sa disputed territory habang hindi pa nabubuo ang naturang code of conduct.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)
Tags: China at Asean countries, code of conduct, West PH Sea