Forum sa pagsulong at pagpapatupad ng EDCA, isasagawa ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 5494

dfa facade
Magsasagawa ng isang forum ang Department of National Defense at Department of Foreign Affairs na dadaluhan ng ilang eksperto at non-government representatives ng Pilipinas, Japan, The United States of America at Australia kung saan tatalakayin ang epekto o impact ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa seguridad ng Asia Pacific Region.

Idaraos ito sa Camp Aguinaldo ngayong araw upang makapagbigay ng updates ang DND at DFA sa isinusulong na EDCA.

Matatandaang nagkaroon na ng mga bilateral security dialogue sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa Washington, DC kaugnay ng EDCA.

Limang base militar din sa bansa ang unang napagkasunduang paghimpilan pansamantala ng mga tropa ng amerikanong sundalo at mga kagamitan sa ilalim ng EDCA.

(UNTV RADIO)

Tags: